Posibleng mapababa ang mataas na presyo ng gulay sa loob ng dalawang linggo, ayon sa Department of Agriculture (DA).

Ito’y kasunod ng ulat ng Disaster Risk Reduction and Management Operations Center ng DA na pumalo na sa 53,356 metric tons (MT), na nagkakahalaga ng P2.34 billion ang pinsala sa agrikultura ng Habagat at ng mga bagyong Crising, Dante, at Emong.

Kinabibilangan ito ng P421.95 million na halaga ng pagkalugi sa high-value crops, kabilang ang lowland at upland vegetables, spices, legumes, watermelons, bananas, pineapples, papayas, at root crops.

--Ads--

Sinabi ni DA spokesperson Assistant Secretary Arnel de Mesa na ang presyo ng mga gulay ay madaling makapag-a-adjust sa inaasahang pagbuti ng panahon.

Aniya, ang makatuwirang taas-presyo ay mula 10 hanggang15 percent, na, aniya, ay nakikita ngayon sa ilang highland at lowland vegetables.

Naniniwala naman siya na kung wala ng darating pa na mga bagyo ay makaka-recover din ang mga farmers sa loob ng isa hanggang dalawang Linggo.