BOMBO DAGUPAN- Naglabas ng P10-million pabuya ang Department of Interior and Local Government sa sinumang makakapagtukoy ng kinaroroonan ni fugitive televangelist Apollo Quiboloy.
Inanunsyo ni DILG Secretary Benjamin Abalos Jr. sa isinagawang press ngayon araw na magbibigay sila ng tig P1-million pabuya sa mga makakatulong sa pag-aresto sa mga kasamahan ni Quiboloy na sina Cresente Canada, Paulene Canada, Ingrid Canada, Sylvia Camanes, at Jackiely Roy.
Sinabi din niya na may mga gustong tumulong sa paghahanap kay Quiboloy kaya nag-offer sila ng P10-million na pabuya sa mga ito.
Matatandaan, noong April 3, naghain ng arrest order ang Davaol Regional Trial Court laban kanila Quiboloy at sa mga nasabing kasamahan nito.
Nahaharap ang mga ito sa kasong paglabag sa Republic Act 7610 o Anti-Child Abuse Law.