DAGUPAN CITY- Nakumpiska ang tinatayang 1/4kilo ng ilegal na droga o nagkakahalaga ng aabot sa ₱1.7 milyong sa isinagawang buy-bust operation PDEA Pangasinan sa lungsod ng Urdaneta.

Sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Retchie Camacho, Provincial Officer ng PDEA Pangasinan, kasama sa nahuli ang kanang kamay ng suspek na si alyas “Ed” ang kaniang kanang-kamay na isang graduating criminology student.

Aniya, matagal nang minamanman ang nasabing suspek at itinuturing ito bilang isang high-value target

--Ads--

Bukod sa paggamit ng ilegal na droga, posibleng masampahan rin sila ng kaso kaugnay sa paglabag sa gun ban.

On-the-spot ring nahuli ang mga suspek habang gumagamit ng ilegal na droga sa loob ng kanilang sasakyan.

Kapwa sila isinailalim sa drug test sa regional crime laboratory.

Patuloy ang imbestigasyon kung saang lugar pa sila nagsu-supply ng droga, at may iba pang mga taong kasalukuyang minamanmanan kaugnay nito.

Dagdag ng opisyal, hindi nagpapahinga ang PDEA sa kampanya laban sa ilegal na droga, at nakikipagtulungan sila sa iba’t ibang law enforcement agencies upang tuluyang masugpo ang ganitong uri ng krimen.

Nagpaalala rin ang kaniyang opisina sa publiko na maging mapagmasid at agad i-report ang kahina-hinalang kilos upang mas mapabilis ang aksyon ng mga awtoridad.