BOMBO DAGUPAN – Ang all-female group na BINI ay nakatakdang magperform sa paparating na KCON LA sa Los Angeles U.S.A. sa huling bahagi ng buwang ito.

Itinatag noong 2012, ang KCON ay isang music at pop culture festival na nagtitipon ng mga K-pop artist at kanilang mga tagasuporta mula sa buong mundo.

Ang mga venue para sa KCON LA 2024 ay ang Crypto.com Arena, Los Angeles Convention Center, at Gilbert Lindsay Plaza.

--Ads--

Ang Bini ay isang P-pop girlgroup na nasa likod ng mga hit na kanta na “Pantropiko” at “Salamin, Salamin” ay nakatakdang magperform sa entablado sa pre-show ng “M Countdown” sa Hulyo 27.

Kaugnay nito ang paglahok ng BINI ay inihayag sa isang social media post ng KCON USA kahapon, Hulyo 14, 2023.

Nabuo noong 2019, ang kanilang pangalan na BINI— na mula sa salitang “binibini”—ay binubuo nina Aiah, Colet, Maloi, Gwen, Stacey, Mikha, Jhoanna, at Sheena.