Dagupan City – Pinaigting ng Lingayen Municipal Police Station ang pagpapatupad ng Oplan Sita sa iba’t ibang bahagi ng bayan bilang bahagi ng kampanya kontra kriminalidad at para masigurong ligtas ang mga lansangan.
Isinasagawa ang mobile checkpoints at spot-check operations upang pigilan ang riding-in-tandem, paggamit ng mga hindi rehistradong sasakyan, at pagdadala ng ilegal na baril, droga at iba pang kontrabando. Kabilang dito ang beripikasyon ng sasakyan, inspeksyon ng mga dokumento ng motorista, at pagpapanatili ng presensya ng pulisya sa kalsada.
Pinapayuhan ang mga motorista na laging magdala ng driver’s license at OR/CR, magsuot ng tamang safety gear, at makipagtulungan sa mga awtoridad para sa mabilis at maayos na inspeksyon.
--Ads--










