Sinimulan ng Municipal Nutrition Committee sa bayan ng Bayambang ang pagsasagawa ng monitoring and inspection sa mga pampublikong paaralan na parte ng kanilang implementasyon para sa nutrition programs ng gobyerno.
Kung saan nauna na silang tumungo sa Bayambang Central School, Bani Elementary School, Bical Elementary School, at Don Teofilo Mataban Elementary School.
Dito ay tinayak ng MNC na ang WASH/WINS na implementasyon mula sa DepEd ay tinututukan ng mga paaralan.
Ang DepEd WinS Program ay idinisenyo upang makamit ang mga resulta ng pagkatuto at kalusugan ng mga estudyanteng Pilipino sa pamamagitan ng programang WASH na nakabase sa paaralan alinsunod sa mandato ng Estado na ipagtanggol ang karapatan ng mga bata sa dignidad at proteksyon mula sa mga kondisyon na humahadlang sa kanilang pag-unlad.
Samantala, katuwang ng MNC sa monitoring and inspection team ang Rural Sanitary Inspectors, Agricultural Technicians mula sa Municipal Agriculture Office (MAO), mga staff mula sa Municipal Nutrition Action Office (MNAO), mga Nutrition Officer, at maging ang mga staff mula naman sa Public Information Office (PIO).
Bukod naman sa programang WASH/WINS ang kanilang ding sinuri ang mga Gulayan sa Paaralan project at kalinisan ng mga school canteens.









