Inanunsyo ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na kanila paring ipatutupad ang number coding scheme sa araw ng ika-5 State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr bukas, Hulyo 27, 2026.

Kaya pinapayuhan ang mga motorista na planuhin ang kanilang biyahe at gumamit ng alternatibong ruta upang maiwasan ang matinding trapiko.

Ayon sa MMDA, nasa 500 tauhan ng ahensya ang kanilang ide-deploy sa kahabaan ng Commonwealth Avenue sa Quezon City.

--Ads--

Kabilang dito ang mga traffic enforcers, road clearing teams, medical personnel, at emergency responders upang matiyak ang maayos na daloy ng trapiko at seguridad.

Inaasahan ang mabigat na daloy ng sasakyan sa Commonwealth Avenue, IBP Road, at iba pang pangunahing kalsada malapit sa Batasang Pambansa, kung saan gaganapin ang SONA.

Pansamantala ring isinara ang mga U-turn slot sa tapat ng UP Technohub at Tandang Sora sa Commonwealth Avenue hanggang matapos ang SONA, alinsunod sa kahilingan ng Quezon City Police District.

Magpapatupad din ng zipper lane mula Elliptical Road o Philcoa hanggang Sandiganbayan, at mula Doña Carmen hanggang IBP Litex, upang mapadali ang pagdaan ng mga sasakyan ng mga opisyal ng pamahalaan at mga panauhin patungong Batasang Pambansa.

Inaasahan din ang mga kilos-protesta ng ilang progresibong grupo sa bahagi ng J.P. Rizal Street sa Commonwealth Avenue, habang magsasagawa naman ng programa ang mga pro-government group malapit sa IBP at Batasan Road.| via Bombo John Florez