BOMBO DAGUPAN – Naglabas ng mensahe ang nobya ng Olympic Gold Medalist Carlos Yulo na si Chloe San Jose, sa ina ng kanyang kasintahan, na gumawa ng sunud-sunod na mga post at pahayag laban sa kanyang anak.

Matatandaang naging viral ang mga post ni Angelica Yulo matapos manalo ang kanyang anak ng kanyang unang gintong medalya sa Paris Olympics.

Na bash si Ginang Yulo matapos siyang hayagang mag-cheer para sa kalaban ni Carlos na Hapon sa all-vault finals ng Olympic.

--Ads--

Ibinulgar pa ng ina ng Olympic gold medalist ng Pilipinas ang samaan daw nila ng loob ng anak dahil daw sa girlfriend nitong si Chloe San Jose.

Pahiwatig pa niya na magiging pabigat lamang si Chloe sa kanyang anak pagdating sa pera.

Bilang tugon, sinabi ni Chloe na maghihintay siyang matapos ni Carlos ang kanyang pagtatangka na makakuha ng pangalawang gintong medalya sa men’s vault finals.

Una rito ay nakatanggap ng kaliwa’t kanang batikos si Angelica mula sa mga netizens dahil tila mas pinaboran pa nito ang mga nakalaban ng kanyang anak sa nagaganap ngayong Paris Olympics 2024.

Sa halip daw kasi na si Carlos ang ipinagmamalaki nito ay kabaligtaran ang nangyayari at wa raw itong ipino-post tungkol sa pakikipaglaban ng kanyang anak sa Paris Olympics.