DAGUPAN CITY- Patuloy ang isinasagawang hakbang ng NFA Pangasinan upang bigyang pagkakataon ang mga magsasaka na maibenta ang kanilang mga palay.
Sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Frederick B. Dulay, Branch Manager ng NFA Pangasinan, patuloy na bumibili ang nasabing opisina ng mga palay mula sa farmers dito sa lalawigan ng Pangasinan.
Aniya, sa kasalukuyan, ang buying price sa mga palay ay nasa 24 pesos per kilo para sa mga malilinis nang palay at ready to store, samantalang sa mga kagagapas lamang na mga palay ay pumapatak sa 18-peso kada kilo.
Sa monitoring ng kanilang opisina, ay mahigit nasa 100 na libo na ng mga palay ang kanilang procurement.
Isinasaayos na rin ng kanilang opisina ang iba’t-ibang pamamaraan upang ma-accommodate ang mga magsasakang nagnanais na magbenta ng kanilang mga palay.
Dagdag niya, may isinasagawa ring programa ang nasabing ahensya sa tulong ng pamahalaan upang mapagtuunan ng pansin ang pangangailangan ng mga magsasaka dito sa ating bansa.
Mensahe naman nito sa mga magsasaka na bukas ang opisina ng NFA upang mabili ang kanilang mga palay at mabigyan ng pagkakataon ang mga itong maihain ang kanilang mga concerns at hinaing.