Wala pa umanong namonitor na nagkaroon ng new variant ng covid 19 dito sa lalawigan ng Pangasinan.

Ayon ito kay Provincial health officer Dr. Ana Marie de Guzman sa naging panayam ng bombo Radyo Dagupan.

Sinabi ni De Guzman na nakikipag ugnayan na sila sa Department of Health o DOH para malaman kung may advisory na hinggil sa new variant.

--Ads--

Naniniwala naman si de Guzman na ag pagtaas ng kaso ng covid 19 sa lalawigan ay dahil sa pagluwag ng mga mga requirements sa mga border.

Aniya, ang mga dating requirement na medical certificate at travel authority ay napalitan na ng S-Pass kung saan ito ang kailangan na isecure para makauwi sa probinsya.

Nakakabahala aniya ito dahil baka may infection ang mga umuuwi sa lalawigan galing sa Metro Manila at iba pang malayong lugar.

Provincial health officer Dr. Ana Marie de Guzman

Samantala, pinuri naman ng opisyal ang mga local government units dahil sa pagiging masigasig sa pagsasagawa ng contact tracing kaya lumalabas ang mga positive.