Pinatawan ng lifetime ban ang isang NBA fan matapos itong biglaang tumakbo sa hardcourt upang makapag-selfie kasama si San Antonio Spurs star Victor Wembanyama sa Game 1 ng NBA Finals.
Naganap ang insidente sa ika-apat na quarter ng laban kaya’t bahagyang natigil ang laro. Agad namang nahuli ang fan at pinaalis sa Frost Bank Center, ang homecourt ng Spurs.
Pinag-aralan ng liga ang naging aksyon ng naturang fan at ngayong araw ay inilabas ang desisyon na hindi na siya makakapanood ng live NBA game saan mang court.
Batay sa batas ng Texas, itinuturing na krimen ang pagpasok sa restricted area ng isang stadium tulad ng basketball court.
Ito ay maituturing na criminal trespass at misdemeanor na may kaparusahan na hanggang 180 araw na pagkakakulong.
Sa naturang laban, tinalo ng New York Knicks ang Spurs sa sarili nitong court, 105-95, at muling magaganap ang Game 2 sa Frost Bank Center bukas, Hunyo 6 (PH time).










