Dagupan City – Pinangunahan ng National Intelligence Coordinating Agency (NICA) ang paglulunsad ng Pilipinas bayang banal movement ng pamahalaan.

Ayon kay Director Genegral Ricardo De Leon, Director Genegral ng NICA, ang inisyatibang ito ay tungo sa tema ng programa na One God, One Nation, One Mission towards Pilipinas bayang banal movement launching and healing concert.

Aniya, maisasakatuparan ang layuning ito sa pamamagitan ng good governance at pagpapakita ng katapatan sa publiko.
Matagumpay namang naisagsawa ang aktibidad kung saan ay naging katuwang ng ahensya ang Lingayen Municipal Government.

--Ads--

Binigyang pagkilala naman nito si Lingyaen Mayor Leopoldo Bataoil na isa rin sa tumulong sa mithiin ng ahensya dahil na rin sa panunugkulan nito sa serbisyo.

Samantala, binigyang diin naman ni De Leon, bukod sa paglago at pag-usad sa katuparan ng mga pangarap, maganda rin aniyang bigyang pagkilala ang mga tumulong sa likod ng paghakbang sa nasabing tagumpay.