Dagupan City – Case closed na ang natagpuang bangkay sa Lingayen Baywalk matapos ang isinagawang imbistigasyon.

Ayon kay Plt. Col. Amor Mio I. Somine, Officer in Charge, Lingayen PNP, nangyari ang desisyon matapos ang isinagawang malalimang imbistigasyon at pagsasagawa ng mga kinakailangang proseso ng medicolegal, imbistigasyon ng scene of crime operations (SOCO) at kumpletong affidavit ng pamilya.

Matatandaan naman na inihain na ang kasong panggagahasa at homicide sa binatilyong kasintahan umano ng biktima.

--Ads--

Kung saan ay positibong kinilala ng 7 itinuturing na witness ang suspect. At isinalaysay umano ang nakitang pag-aaway ng biktima at suspek sa gabi bago maganap ang krimen.

Dito na rin isinalaysay ng saksi na isang tindera na napansin nito ang magkasintahan matapos pagbentahan niya ng paninda at nang makabalik sa kinaroroonan ng dalawa ay napansin nito ang suspek na naghuhukay habang nakahiga naman ang biktima.

Sa kabila naman ng pagkahuli sa suspek sinabi ni Somine na hindi pa rin nila isinasara ang pangangalap ng impormasyon sa nangyaring insidente kung may kasabwat ba ang suspek sa krimen.