BOMBO DAGUPAN – Umabot na sa 158 ang nasawi sa malawakang landslides na tumama sa Kerala, India.

Pinangangambahan na nasa mahigit 220 katao ang nawawala.

Ayon sa mga rescue workers patuloy nilang hinahalughog ang mga bumagsak na mga bubungan at debris mula sa mga nasirang mga kabahayan upang hanapin ang mga posibleng survivors.

--Ads--

Ang makapal na putik at rumaragasang tubig ang nagpabagsak sa mga bahay at nagpatumba sa mga puno.

Nahirapan ang mga rescuers dahil sa pag-ulan para tuluyang iligtas ang mga biktima sa bulubunduking bahagi sa Wayanad district.

Tumama rin ang ilang landslides sa ilang bahagi ng Mundakkai, Attamala, Chooralmala at Kunhome.

Ang nasabing landslide ay ang pinakagrabeng disaster na tumama sa estado mula noong 2018, na ikinasawi ng mahigit sa 400 katao.