Itinuturing na kakaiba ang naranasang 6.4 magnitude na lindol sa bansang Japan ayon sa mga siyentista.

Ayon kay Hannah Galvez, Bombo International News Correspondent sa Japan, aa lakas ng pagyanig, nagsilabasan ang mga tao dahil sa napakahabang pagyanig at sunud sunod pa.

Ang lindol ay tumama sa Shimane Prefecture sa kanlurang Japan sa lalim na humigit-kumulang 10 kilometro.

--Ads--

Naganap umano ang lindol ala10 ng umaga at klababalik lang sa trabaho ng mga Japanese.

Bagamat may mga naitalang minor injuries pero walang naitalang nasawi.

Sa mga lugar na pinakamatinding tinamaan sa Shimane at sa karatig na Tottori Prefecture, naitala ang pagyanig sa antas na upper 5 sa 7-antás na seismic intensity scale ng Japan.

Dagdag pa ni Galvez na pagdating sa mga kalamidad gaya ng lindol, napakabilis umano ang pagrespondi ng mga otoridad sa nasabing bansa..

Inalerto naman ng pamahalaang Japan ang kanilang mamamayan sa loob ng 2 hanggang 3 araw dahil sa inaasahang mga aftershocks.