Umabot sa 38.69 grams ng shabu ang nakumpiska ng kapulisan ng Pangasinan sa 10 drug buy bust operation mula sa araw ng March 30 hanggang April 5 ngayong taon.

Nasa 263, 092.00 pesos ang halaga ng mga ito kung saan 10 indibidwal dito na sangkot sa illegal drugs activity ay nahuli.

Kabuuang 46 ang mga naarestong mga indibidwal na kinabibilangan din ng 5 para sa loose firearms, 4 sa most wanted persons at 27 naman ang iba pang wanted persons.

--Ads--

Nagkaroon naman ng 9 na confiscated firearms sa 11 isinagawang operasyon para sa loose firearms.

Nagpapakita ang ganitong mga accomplishment ng pagiging aktibo ng kapulisan sa lalawigan na hindi nagpapabaya sa pagtutok sa ibat-ibang mga krimen na maaring maisagawa dito dahil layunin nilang magkaroon ng payapa at ligtas na komunidad ang bawat mamamayan.