‘Nakakatuwa at very fulfilling’. Ganito inilarawan ni Miss Philippines Tourism Worldwide 2022 Kathie Lee Berco, sa exclusive interview ng Bombo Radyo, ang pagkakataon na mairepresenta nito ang lalawigan ng Pangasinan sa larangan ng pageantry.
Aniya, hindi lamang ang mga resources ng probinsya ang maaaring maipagmalaki kundi maging ang pagtutulungan aniya ng pamahalaan sa pagbibigay sa kaniya ng suporta sa pagwawagayway nito ng probinsya sa naturang patimpalak.
Nabatid na hindi na bago sa pageantry si Berco dahil nakasama na ito sa city, provincial at ito na ang ikalawang pagkakataon sa kaniya para naman sa national level.
Aminado naman ito na malaking hamon ang nararanasang COVID-19 pandemic sa pagsabak nito bagamat mayroon ding nakaunting naitulong dahil sa pagpapatupad ng online class kung saan hindi umano ito gaanong kabigat para sa pagsasaayos niya ng kaniyang oras upang mabalanse ang pagiging beauty queen at estudyante.




