Nagbabala ang mga otoridad sa bansang Australia dahil sa naitalang flashfloods dulot ng matinding pag-ulan lalo na sa bahagi ng east coast ng nabanggit na bansa.

Ayon kay Bombo International Correspondent Denmark Suede, isang registered nurse sa Australia, “life threatening” umano ayon sa emergency authorities ang nasabing baha dahil sa mataas na lebel ng tubig sa mga naapektuhang lugar.

Ilang mga residente na rin sa mga low lying communities ng New South Wales ang nailikas na ng mga otoridad doon .

--Ads--

Inaasahang mapupuno ang mga evacuation centers sa hilga ng Sydney City dahil sa mga indibidwal na inilikas dahil sa baha.

Nagsimula ang naturang flashflood dahil sa matindi buhos ng ulan simula pa ng huwebes at naging sanhi ng pag-apaw ng 3 river system sa nabanggit na lugar dadag pa rito ang mga tubig mula sa Blue Mountain sa Sydney kung kaya naging matindi rin umano ng dulot na baha sa kanilang lugar.

Bombo International Correspondent Denmark Suede

Sa ngayon ay nagbigay na ng tulong pinansyal ang pamahalaan ng Australia sa mga residente na naapektuhan ng naturang sakuna.