DAGUPAN CITY – Naaresto ang isang nagpapakilalang “smile makeover expert” sa Amerika matapos mag-perform ng mga dental procedures kahit hindi siya lisensiyadong dentista.
Ang naaresto ay si si Emely Martinez 35-anyos at residente ng Pinellas Park, Florida, USA.
Nagpapanggap siya bilang “smile makeover expert” sa social media, at nakagoyo ng mga kliyente.
Inireklamo si Emely ng ilang kliyente niya sa Pinellas at Hillsborough counties dahil natuklasang nag-attach siya ng mga veneers sa ngipin gamit lang ang biniling super glue.
Ang veneers ay maninipis at custom-made coverings of porcelain o kaya ay composite resin na idinidikit sa front surface ng ngipin para mapaganda ang appearance.
Ang mga ginagamit sa pagdidikit ay dental cement at special curing light.
Itinatama ng veneers ang cosmetic imperfections gaya ng biyak sa ngipin, gaps, discoloration, at pagkabungi. Permanente ang procedure na ito dahil ang thin layer ng tooth enamel ay inaalis bago i-attach ang veneer.
Tumatagal ng mula 10 hanggang 20 years bago ito mapalitan.
Napag-alamang nakaka enganyo si Emely ng mga customers dahil sobrang mura ng kanyang singil sa full-mouth veneer treatments kumpara sa ibang licensed dental clinic.
Kay Emely, sinisingil lang niya ang clients ng US$2,500 (PHP143,126.25) para sa full-mouth veneer attachment procedure.
Yun nga lang, marami sa mga naging kliyente niya ang lalo lang nasira ang mga ngipin at nagkaroon pa ng infections.
Natuklasan kamakailan ang scam ni Emely matapos magsampa ng kaso ang dalawa niyang naging clients. Reklamo ng mga ito, nagkaroon ng serious damage ang kanilang mga ngipin matapos magpalagay ng veneers.
Nung nagpatingin ang mga ito sa actual dentist, nalaman nilang ang veneers ay ini-attach lang ni Emely gamit ang isang brand ng household super glue na hindi puwedeng gamitin sa medical use.
Siya ay sinampahan ng kasong “fraud and practicing dentistry without an active license.” //via PEP