Dagupan City – Bumagsak sa kamay ng mga awtoridad ang isang Most Wanted Person na nabibilang sa Municipal Level sa isinagawang operasyon sa bayan ng San Manuel dahil sa kasong Qualified Human Trafficking.

Batay sa ulat, ang suspek ay nahaharap sa paglabag sa Republic Act 9208 o Anti-Trafficking in Persons Act.

Isinagawa sa ang operasyon sa bisa ng e-warrant of arrest kung saan walang inirekomendang piyansa ang hukuman.

--Ads--

Bahagi ng operasyon ang Enhanced Management of Police Operations (EMPO) ng pulisya upang masiguro ang kaayusan at kaligtasan sa nasabing bayan.

Kasalukuyang nasa kustodiya ng San Manuel Municipal Police Station ang suspek para sa dokumentasyon at kaukulang disposisyon, habang isinasagawa ang mga legal na proseso.