DAGUPAN CITY- Pansamantala ipinasara ang mga pangunahing paliparan sa Moscow matapos ang sunud-sunod na drone attacks mula sa Ukraine, ayon sa mga opisyal ng Russia.

Dahil dito, hindi bababa sa 140 flights ang nakansela habang higit sa 130 naman ang kinailangang ilihis sa ibang ruta.

Ayon sa Russian defense ministry, mahigit 230 Ukrainian drones ang na-intercept sa himpapawid ng Russia at 27 sa mga ito ay nadetect sa kalangitan Moscow.

--Ads--

Kinumpirma rin ng Russian aviation watchdog na naapektuhan ang apat na pangunahing paliparan sa Moscow, ngunit lahat ng ito ay balik-operasyon na ngayon.

Samantala, inulat ng mga opisyal ng rehiyon sa Ukraine na hindi bababa sa tatlong katao ang nasawi sa mga isinagawang air strikes ng Russia sa magdamag.

Ayon sa Association of Tour Operators of Russia (Ator), umabot sa 10 beses na ipinasara ang mga paliparan sa Moscow sa loob lamang ng 24 na oras dahil sa banta ng drone attacks.