DAGUPAN CITY- Nagpapatuloy pa rin ang monitoring ng Municipal Disaster Risk Reduction Management Office sa bayan ng Sta. Barbara dahil sa patuloy na pag-ulan.

Ayon kay Raymondo Santos, Department Head ng nasabing opisina, sa kanilang pag-iikot ay wala pa naman silang nakikitang problema.

Gayunpaman, nagkakaroon sila ng scheduling sa pag iikot upang matiyak na mabantayan ang kalagayan ng kanilang bayan.

--Ads--

Inabisuhan na din nila ang mga barangay officials na patuloy din ang monitoring sa kanilang nasasakupan upang hindi na maging mahirap ang pagtulong kung may nangangailangan.

Maliban diyan, nananatili pa rin na nasa normal na lebel ang tubig ng Sinucalan River.

Sinabi ni Santos, mabababa pa ito at umaabot lamang sa 5.2m above sea level.