Inaasahang magtataas ang presyo ng gasolina ngayong darating na linggo, habang ang diesel at kerosene ay maaaring magkaroon naman ng rollback.
Ayon kay Department of Energy-Oil Industry Management Bureau Assistant Director Rodela Romero, isa pang magkahalong paggalaw sa presyo ang mararanasan ngayong darating na linggo.
Inasahan ang paggalaw sa presyo ng mga produktong petrolyo kung saan ang gasoline ay may pagtaas ng P0.10 hanggang P0.30 kada litro,habang sa diesel ay magkakaroon ng rollback na P0.40 hanggang P0.70 kada litro at ang kerosene ay magro -rollback na P0.40 hanggang P0.60 kada litro
Sinabi ni Romero na ang mga dahilan ng inaasahang pagtaas ng presyo ng gasolina ay dulot ng di tiyak na geopolitical na klima sa Gitnang Silangan partikular ang nangyayaring sagupaan sa pagitan ng Israel at Hezbollah.