Mga Kabombo! Sa panahon ngayon, lahat na ng mga bagay ay halos pinapatakbo ng teknolohiya.

Akalain mo, pati sementeryo, may modern take na rin!

Higit sa 1,000 QR code stickers kasi ang natagpuan sa mga libingan sa tatlong sementeryo sa Germany, kung saan kapag isincan, ay nagpapakita ng pangalan ng mga yumaong tao at lokasyon ng kanilang libingan.

--Ads--

Ang mga sticker, na may sukat na 5×3.5 sentimetro, ay nakita sa Waldfriedhof, Sendlinger Friedhof, at Friedhof Solln sementeryo sa timog ng Germany sa mga nakaraang araw.

Ang mga ito ay nakalagay sa parehong mga lumang libingan at mga bagong libingan na may mga kahoy na krus.

Iniimbestigahan na ng pulisya ang insidente at sinabing wala pang pattern na natutukoy kung bakit inilagay ang mga sticker sa mga libingan.

Hinihikayat nila ang mga saksi na may nakitang naglalagay ng mga sticker na makipag-ugnayan sa administrasyon ng mga sementeryo.