Matagal na pangarap na hindi matupad-tupad dahil mahina ang kaniyang kalooban ganiyan ibinahagi ni Mr. Favi Macalanda Osilla Jr.,
Mister Tourism World Philippines – Pangasinan 2025 ang kaniyang naging karanasan sa pagsabak sa pageant industry.
Aniya na hindi madali ang kaniyang desisyon sa pagsali sa nasabing kompetisyon kung saan ito ang kaniyang kauna-unahang pageant.
Bagama’t ay nakakakaba at bago ang lahat ng ito sakanya subalit saad din niya na kung gusto mo talaga ang iyong ginagawa ay talagang susubukan at susubukan mo.
Ibinahagi naman niya ang kaniyang mga naging preparasyon gaya na lamang ng pagboost sa kaniyang social media upang tumaas sa public relations.
Gayundin ang pagpapakita ng kaniyang kahusayan sa iba’t ibang mga activities.
Sa ngayon ay graduating architecture student na si Favi at aniya ay best decision niya ang naging pagsali sa nasabing patimpalak.
Samantala, magaganap naman ang kaniyang laban sa darating na Agosto 2 sa Lipa, Batangas.