BOMBO DAGUPAN – Opisyal na pinangalanan si Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach bilang kauna-unahang Filipina na naging Friend of the House ng Bvlgari.

Bilang Friend of the House, nakatakdang kumatawan si Queen P. sa bansa sa mga advertisement at event ng brand.

Ipinagmamalaki niyang maging kinatawan ng Pilipinas dahil isang malaking karangalan na makakasama niya ang mga Hollywood A-listers tulad nina Anne Hathaway at Zendaya.

--Ads--

Bilang isang breadwinner sa kanyang kabataan, at isang waitress sa United Kingdom sa isang punto ng kanyang buhay ay hindi isang lakad sa parke ang naging buhay ni Pia.

Subalit dahil sa kanyang dedikasyon, tiyaga at pagsisikap niya ay unti-unti na niyang naaabot ang kaniyang mga panagarap.

Ngunit may mga pagkakataon parin aniya na pakiramdam niya ay nananaginip lang siya, tulad ng pagpunta niya sa isang tindahan ng Italian luxury fine jewelry brand na Bvlgari at pangangarap na balang araw ay maging endorser ng brand.

Sabi nga ng mga netizens “queen of manifestation” daw talaga si Queen P.