Itinanghal bilang bagong reyna ng lungsod si Ayumi Cayabyab matapos niyang masungkit ang korona ng Miss San Carlos City 2026 sa ginanap na engrandeng coronation night bilang bahagi ng pista ng syudad.
Ipinamalas ni Cayabyab ang kahanga-hangang kombinasyon ng talino, kumpiyansa, at kagandahan mula pa lamang sa simula ng kompetisyon, dahilan upang makuha niya ang suporta ng mga hurado at manonood.
Binigyang-diin ni Cayabyab ang pagpapalaganap ng mayamang kultura at mga lokal na produkto ng San Carlos City, na kilala bilang “Mango Capital.”
Sa bahagi ng patimpalak na question and answer, binigyang-halaga niya ang pagkakaisa ng komunidad at ang papel ng kabataan sa pag-unlad, na nagpatibay sa kanyang imahe bilang huwarang lider para sa mga kabataan.










