Lubos na nagpapasalamat sa mga sumuporta si Miss Jacynthe Zena Castillo ang itinanghal na Miss Hundred Islands 2025 sa katatapos lamang na paligsahan.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Dagupan sakanya aniya na nagsilbing platform para ipakita ang iba’t ibang kagandahan at morena man o hindi ay maituturing na maganda.

Bagama’t ay 1st time lamang niya sa larangan ng beauty pageant ay hindi niya inakala na makukuha niya ang titulo kaya’t noong sinabi sakaniya ng kaniyang mga kapamilya ang tungkol sa kompetisyon ay pinag-isipan niya itong talaga.

--Ads--

Pagbabahagi niya na naisip nitong baka ito ang kaniyang ‘calling’ at gusto niyang gumawa ng isang ‘life changing’ na desisyon ngayong taon.

Isa rin itong paraan para sakanya na may magawa para sa komunidad.

Ang pagbilib sa sarili ang natutunan nito sa kompetisyon at aniya tiningnan niya ang mga kasam hindi bilang isang kakumpetinsya bagkus bilang isang inspirasyon.

Ikinatuwa rin nito na nag-eevolve na ngayon ang beauty pageant at mas nagiging accepting na ito ano man ang kulay, hugis ng mukha, o anumang pisikal na atribusyon ng isang tao.

Payo naman nito sa lahat na huwag matakot sumubok sa isang bagay dahil wala namang mawawala.