Nasa 3 milyong katao ang apektado ng nagpapatuloy na winter storm sa Estados Unidos kung saan nagdeklara na ng state of emergency sa ilang mga lugar doon.

Ayon kay Ludovico Baqueriza III, Bombo International News Correspondent sa New York, USA simula buwan ng Enero ay nagsimula na ang winter storm at naitala din ang biggest snow aniya na aabot sa 5 inches.

Nararanasan din sa ngayon ang malakas na hangin gayundin ang mga pag-ulan.

--Ads--

Habang ang ilang lugar sa estado ay nakakaranas na din ng pagbaha.

Pagbabahagi niya na aabot nasa 100 casualties sa east coast habang inaalam pa sa ibang mga lugar na apektado.

Samantala, mabuti na lamang aniya at 80-90 percent ang accuracy ng weather forecast roon at kapag nag-anunsiyo na ang mga news agency ay agad na ring nagpeprepara ang mga tao.

Kinakansela din ang mga pasok at trabaho kung malaki ang epekto nito.

Paalala naman nito sa sa lahat na palagiang maging alerto para sa kaligtasan hinggil sa mga ganitong sakuna.