DAGUPAN CITY- Umaasa ang mga Venezuelan na naninirahan sa Trinidad and Tobago na manunumbalik na ang sigla ng ekonomiya ng kanilang bansa ngayong nagwakas na ang pamumuno ni Nicolás Maduro.

Sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Alan Tulalian, Bombo International News Correspondent sa Trinidad and Tobago, nagtipon-tipon ang mga Venezuelan at nagdiwang sa para sa kanila’y magandang balita.

Aniya, kabilang dati ang Venezuela sa may magandang ekonomiya hanggang sa bumagsak ito nang mamuno umano si Maduro.

--Ads--

Ang naranasang matinding krisis ang nag-udyok sa halos 8 million populasyon na lumipat sa karatig bansa.

Ilan sa mga ito ay hindi legal ang pagpasok sa nilipatang bansa.

Samantala, may nagpakita rin ng pagtutol sa isinagawang interbensyon ng Estados Unidos sa Venezuela, kabilang na rito ang isinagawang paglusob.