BOMBO DAGUPAN- Kapayapaan at hindi kaguluhan ang nais ng kampo ni ex-President Donald Trump, maging ang mga taga-suporta nito.

Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Gary San Mig Arceo, Bombo International News Correspondent sa Florida, USA, walang magpapatunay sa kumakalat na binabalak ng Iran na paslangin si Trump.

Aniya, napupuno lamang ng ‘fake media’ sa America at karamihan sa mga ito ay nagdudulot ng karahasan sa bansa. Dahil dito, nabago din umano ang kaisipan ng mga kabataan.

--Ads--

Gayunpaman, marami pa din ang sumusuporta kay Trump dahil sa umaasa ang mga ito na maibabalik niya ang kabuhayan sa America na kaniya din dinala nang maupo siyang presidente noong 2017 hanggang 2021.

Naging mababa kase ang mga bilihin at buwis sa Amerika sa ilalim ng administrasyong Trump.

Subalit, maliban sa tumaas na ang mga ito noong umupo na si President Joe Biden sa pagkapresidente, nagkabukod-bukod din aniya ang mga mamamayan sa Amerika.

Samantala, matapos ang nakaraang hindi matagumpay na pag-assassinate ni Thomas Mathew Crooks kay Trump, dumami pa lalo ang tagasuporta nito para sa nalalapit na presidential election.

Sa likod din kase ng mga kaganapan sa Amerika para mapabagsak si Trump ay ipinakita pa nito ang katangian ng isang magaling na pinuno.