DAGUPAN CITY- Maigting na isinusulong ng Commission on Population and Development Region 1 ang kanilang mga programa upang maiwasan ang teenage pregnancy sa rehiyon.

Ayon kay Mae Grace Ariola, Information officer ng Commission on Population and Development Region 1, isa pag-iimpelemnt ng programang Comprehensive sexual education sa mga estudyante o CSC sa kanilang mga isinusulong, lalo na at isang ang rehiyon sa Pilot Region ng nasabing programa.

Ayon sa kanilang datos sa pakikipagtulungan a Department of Education, marami na rin ang mga gurong sumalang sa pagsasanay para sa pagtuturo nito.

--Ads--

Bukod dito, ang naturang tanggapan ay mayroon ding isinagawang mga action plan, projects at iba pa kaugnay sa programa at curriculum na ito.

Samantala, patuloy din ang pakikipagtulungan ng nasabing opuisina sa mga Rural Health Units at Local Government Units sa pagbibigay ng contraceptives sa bawat indibiwal at campuses upang maisabuhay ang tamang family planning bilang parte sa kanilang kampanya na mapababa at maiwasan ang teenage pregnancy sa mga kabataan.