BOMBO DAGUPAN – Puno ng pasasalamat si Lingayen mayor Leopoldo Bataoil sa kanyang Ulat sa Bayan o State of the Municipality Address (SOMA) sa Lingayen Civic Center.

Sa kanyang ulat ay ibinahagi ng alkalde ang mga programa at proyektong naisakatuparan sa ilalim ng kanyang termino simula noong mahalal ito bilang alkalde ng bayan taong 2019 hanggang sa kasalukuyan.

Inilahad nito na sa larangan ng edukasyon, kalusugan, turismo, kabuhayan, kabataan, kapaligiran, at kaligtasan ng mga Lingayense. Lahat aniya ito ay naka-angkla sa Seal of Good Local Governance o SGLG na isa sa mga pinakamataas na parangal na ibinibigay ng DILG sa mga natatanging LGUs.

--Ads--

Malugod ring inihayag ni Mayor Bataoil ang mga parangal at pagkilalang natanggap ng Lingayen na dati’y kabilang lamang sa mga planong kaniyang ibinahagi sa unang termino bilang alkalde.

Dagdag pa ng alkalde, hindi rito nagtatapos ang mga programa at proyekto ng lokal na pamahalaan para sa taong bayan bagkus ay inilahad pa nito sa pamamagitan ng isang audio-visual presentation na naglalaman ng kanyang mga plano para sa mga susunod na mga taon.

Samantala nanawagan naman siya sa mga kababayan nito na ipagpatuloy ang kanilang aktibong pakikibahagi o pagiging participative sa pagpapatupad sa mga hangarin tungo sa ikauunlad ng bayan ng Lingayen.

Nagpasalamat din siya sa taongbayan dahil naniniwala siya na ang tinatamasang tagumpay ng lokal na pamahalaan ay bunga ng pagkakaisa at pagtutulungan ng bawat mamamayan.

Puno ng pasasalamat si Lingayen mayor Leopoldo Bataoil sa kanyang Ulat sa Bayan o State of the Municipality Address (SOMA) sa Lingayen Civic Center.