DAGUPAN CITY- Pinag-iingat ng grupong Ban Toxics ang publiko na bumibili ng kiddie slippers na kadalasang mabibili online dahil sa mataas na chemical content nito.
Sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Thony Dizon, Campaigner ng Ban Toxic, nakitaan nila ang mga naturang plastic slippers ng lrad content na umaabot ng 393 parts per million (ppm) hanggang 4,300 PPM.
Aniya, dahil wari ito sa plastic ay nakitaan din ito ng napakataas na chlorine content na umaabot ng 1,000 PPM.
Nangangahulugan lamang umano ito na gawa itong PVC kung saan nagdudulotn g pinsala sa mgakalusugan ng bata.
Kaugnay nito, ginagamitan kase ito ng isang klase ng kemikal para maging malambot ito.
Ipinaliwanag naman ni Dizon na ang nasabing lead content ay nakita sa disensyo o sa mismong pintura ng slippers at madalas itong makapit sa mga materyal katulad ng PVC.
At dahil isa itong neuro-toxin at nagdedevelop pa lamang ang immune system ng bata ay maaapektuhan ang utak nito.
Bagaman sa paa ito sinusuot, ayon kay Dizon na makakapasok pa rin ang kemikal sa loob ng katawan at maaaring dumeretso sa utak.
Samantala, nagpaalala si Dizon na sa tuwing bibili ng kaparehong produkto ay tiyakin kung kumpleto ang product information product label nito.
Dapat din bineberika kung ito ay dumaan sa tamang pagsusuri.