Hindi napapabayaan ang mga Pinoy na apektado ngayong ng nagpapatuloy na bushfires sa Australia.
Ito ang tiniyak ni Australian Ambassador to the Philippines Steven Robinson sa pagbisita nito sa lalawigan ng Pangasinan bilang panauhing pandangal sa selebrasyon ng 75th Lingayen Gulf Landings ni Gen. Douglas MacArthur at 13th Pangasinan Veterans’ Day.
Sa pagharap nito sa lupon ng media, tiniyak ni Robinson na hindi pinababayaan ng embahada ang mga Pinoy na nakakaranas din ng epekto ng bushfire sa kanilang bansa.
Nabatid na si Ambassador Robinson mismo ang nagpasinaya sa ginawang Royal Australian Navy Marker ng Pamahalaang Panlalawigan bilang pagkilala sa naiambag nilang tulong noon kasabay ng paglaban ng mga beteranong Pinoy laban sa mga Hapon noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig.
Bukod dito, masaya ding naki-halubilo sa mga beteranong Pangasinense ang ama ng aktress na si Ann Curtis-Huesaff na si James Ernest Curtis-Smith na napag-alamang isa ding World War II veteran, kasama din nito ang ina ng aktres na tubong Bolinao, Pangasinan. (with reports from Bombo Badz Agtalao)