BOMBO NEWS ANALYSIS– Anumang araw, ay pinangangambahan na sisiklab ang digmaan sa pagitan ng Israel laban sa Lebanon, Iraq, Syria, Iran at iba pa.
Kaya naman ay kailangan na mapaghandaan ito ng pamahalaan. Dapat lamang na umaksyon rito ang pamahalaang Marcos.
Sabi kasi ng Iran, ipaghihiganti nito ang pagpatay ng Israel sa lider ng Hamas na si Ismael Haniyeh sa Tehran, Iran at Hezbollah commander Fua Shukr sa Beirut, Lebanon kamakailan.
Kaya naman pinaghahandaan din ito ngayon ang Israel.
Ayon sa isang Bombo International News Correspondent na nakabase sa Israel, nakahanda naman silang umalis ar bumalik sa bansa sakaling umabot sa alert level 3 ang kaguluhan.
May abiso na ang embahada ng Pilipinas, kaya ipinapahiwatig nito na maaaring sumapit sa ganoong situwasyon.
Pinangangambahan kasi na pagsasara ang mga paliparan ng eroplano sa Lebanan anomang oras na sisiklab ang giyera.
Habang may panahon pa ay magplano na at huwag ng antayin na may masamang mangyari.
Matutong makinig ang mga kababayan natin sa ibang bansa.
Pakatandaan na ang pera ay mahahanap pa pero kapag ang buhay ay nawala ay hindi na maibabalik pa.
Tiyakin din sana ng ating gobyerno na may maibibigay na tulong na puwedeng pagkakitaan ang mga mapapauwing kababayan natin.
Malaki ang kanilang kontribusyon sa ekonomiya ng buong bansa kaya marapat lang na sila ay tulongan sa panahon ng kagipitan.