Dagupan City – Upang makatipid sa pamimili ng mga school supplies ngayong nalalapit na naman ang pasukan para sa mga pampublikong paaralan, nagbahagi ang Department of Trade and Industry o DTI Pangasinan ng mga paraan o tipid tips sa pamimili ng mga kagamitan.

Ayon kay Natalia Dalaten ang siyang Provincial Director at Officer in Charge- Assistant Regional Director Department of Trade and Industry Region 1 na maraming paraan upang hindi na gumastos pa ng Malaki sa pagbili ng mga gamit ng inyong mga studyante.

Una, bago magtungo sa mga pamilihan mas mainam na gumawa muna ng listahan ng mga bibilhin upang maiwasan ang impulsive buying. Panagalawa, ang reuse and recycle Lalo na kung may mga gamit pa ang inyong mga anak na hindi maari pang magamit ngayong pasukan.

--Ads--

Ikatlo, isa ring paraan upang makatipid ay imonitor kung kalian may sales sa mga mall o di kaya ang mga programa ng DTI gaya na lamang ng diskwento caravan balik eskwela at bukod dito ay marami pang mga paraan upang makatipid sa pagbili ng mga school supplies ngayong nalalapit na naman ang pagbabalik eskwela.

Dagdag pa nito na base sa kanilang monitoring at kung ikukumpara sa last school year ay hindi gaanong marami ang mga bumibili dahil na rin sa hindi sabay sabay na iskedyul ng pasukan.