DAGUPAN CITY- Lubhang naapektuhan ang sektor ng agrikultura sa syudad ng Dagupan dulot ng pagdaan ng Super Typhoon Nando, kamakailan.

Ayon kay May Ann Salomon, City Agriculture Office Head, ilang araw nalubog sa pagbaha ang ilang mga palayana at umabot sa P8.04 million ang halagang danyos.

Habang sa pangisdaan, tinatayang nasa P790-thousand ang halagang danyos sa pangisdaan.

--Ads--

Nasira umano ang mga fish cages at nakawala ang ilang mga alagang isda.

Karagdagang ikinalugi ng mga mangingisda ang 5 days no fishing policy kung saan umabot sa humihigit kumulang P12-million ang nawalang kita.

Samantala, umabot sa 1,152 ambulant vendors ang hindi makapagbenta dahil sa nararanasang pagbaha sa syudad.

Ayon kay Judy Narvasa, Officer in Charge ng Market Division, maliban pa riyan, umabot naman sa 557 tenants ang apektado ang pangkabuhayan.