Positibo ang ilang mga Pangasinense na mas magiging maganda ang taong 2022.
Ayon sa ilang mga residente na kanilang ikinagalak ang pagluwag ng mga restriksyon upang maidiwang ang pagsalubong sa bagong taon at inaasahang magtuloy-tuloy ito sa kasalukuyang taon.
Matatandaang ayon sa inilabas na ulat ng Social Weather Stations Inc. nasa 93 porsiyento na nagsabing positibo sila na ang 2022 ay magiging maganda at may pag-asa sa halip na takot, mas mababa pa ito kumpara sa 96 porsiyentong noong Disyembre 2019.
Hiling naman ng residente sa lungsod ng Dagupan na si Myrna Villanueva ang tuluyang pagtatapos ng laban kontra Covid-19 para sa tuluyang pagbabalik normal ng bansa.
Samantala pagsasaad ng isang feng shui expert na si Kim Te na ang swerte ay makakamtam ng isang taong may malasakit sa iba.
Aniya na ang pagkakaisa ng mga Pilipino ang susi para tuluyang makalaya sa pinagdadaanang pandemya.