DAGUPAN, CITY – “Mga ordinaryong mga amamayan ang siyang makikinabang sa pagtanggal ng excise tax sa mga produktong petrolyo.”


Ito ang ipinagdiinan ni Mody Floranda, ang Presidente ng transpont group na PISTON hinggil sa magiging magandang dulot kung aalisin na ng pamahalaan ang excise tax sa gasolina.


Ayon kay Floranda, taliwas ito sa payo ng mga economic adviser ni Pangulong Ferdinand Bong Bong Marcos Jr. na tanging ang mga malalaking negosyante at mga mayayaman lamang ang makikinabang sa naturang hakbang at makakabawas sa pondo ng mga programa ng gobyerno.

--Ads--


Aniya, lahat naman ng sektor ang makikinabang dito lalo na at 16 pesos din ang mababawas sa singil ng mga produktong petrolyo at ito ay makakapagbigay ng dagdag na kita sa mga nasa hanay ng transport sektor at sa iba pang industriya na gumagastos dahil sa paggamit ng gasolina.


Marami din umanong maari pang pagkukuhanan ng pondo ang pamahalaan maliban sa excise tax kaya naman nakakapagtaka umano na hindi pa rin ito ginagawa ng kasalukuyang administrasyon.


Hindi rin umano sapat ang balak na 3000 pesos na ayuda dahil ito lamang ay panandalian at hindi makakatulong sa taas ng presyo ng gasolina.


Sa ngayon, malaking tulong sa kanila ang 3 beses na rollback sa mga nakaraang linggo ngunit hindi rin umano ito malabong tumaas muli lalo na at sa pahayag ng Department of Energy na hindi pa rin stable ang suplay ng gasolina sa mundo.