DAGUPAN CITY- Nakaranas ng karahasan ang mga ibang opisyal at asawa ng mga dating opisyal mula sa mga Gen Z Protesters dahil sa social media ban.

Sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Marivic Alonzo Gurung, Bombo International News Correspondent sa nasabing bansa, sa loob ng 24 oras ay umabot na sa 19 ang nasawi dulot ng pamamaril ng mga kapulisan.

Nasawi naman si Rajyalaxmi Chitrakar, asawa ni ex-Prime Minister Jhalanth Khanal, matapos sunugin ng mga kabataan ang kanilang pamamahay.

--Ads--

Hinila at binugbog si Foreign minister Arzu Rana Deuba, asawa ni ex-Prime Minister Sher bahadur Deuba.

Habang hinabol sa kakalsadahan at pinagsisipa si Deputy Prime Minister at finance minister Bishnu Prasad Paudel.

Ang mga pag-atakeng ito ang dahilan ng pagliparan ng mga iba pang opisyal ng bansa at pagtatago sa mga Gen Z Protesters.

Ayon kay Gurung, ito na ang pinakamalalang kaguluhan na kaniyang nasaksikhan sa talang buhay niyang pananatili sa Nepal.

Aniya, maliban kase sa mga karahasan ay marami rin private properties ang napinsala ng mga protesters.

Nakatakas naman ang halos 1,500 bilanggo mula sa hindi bababa sa 7 prison jail.

Samantala, pinag-uusapan pa rin kung sino ang susunod na mauupong Prime Minister ng bansa matapos bumaba sa pwesto si KP Sharma Oli.