DAGUPAN CITY- Kaniya-kaniyang diskarte ang bawat negosyo sa Sint Maarten tuwing araw ng mga puso para makahatak ng mga customer.

Sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Rosalie Realon, Bombo International News Correspondent sa Sint Maarten, tampok ang iba’t ibang pasiklab ng mga negosyo sa mga customers, katulad na lamang ng mga exclusive promo, ngayong papalapit ang naturang araw.

Aniya, mayroon din mga raffles na isinasagawa sa araw ng Valentine’s Day, tulad ng mga serbisyong libreng massage, at maaari itong i-avail anumang araw.

--Ads--

Hindi rin mawawala ang mga restaurants na may pa-discount, gayundin sa discount sales ng mga iba pang pamilihan.

Habang sa mga flowershops ay mistulang may kompetisyon sa pagandahan ng kanilang mga ibinebentang mga bulaklak.

Ito umano ang kadalasang pinapakyaw ng mga tao at nagkakaubusan pa mismo sa araw ng mga puso.

Gayunpaman, nananatili pa rin normal na araw ang araw ng mga puso sa Sint Maarten.