Hinihinalang may kasamang kidnapping ang pag-atake ng mga armadong kalalakihan sa South Sudan sa isang bus sa mainroad ng Juba.

Ayon kay Army spokesperson Maj. Gen. Lul Ruai Koang, iniwan ang isang nasawi at 8 sugatan subalit nawawala ang 7 pasahero ng bus.

Ang nasabing bus ay patungong Kampala nang atakihin ng mga armadong kalalakihan.

--Ads--

Inakusahan naman ni Koang ang National Salvation Front, grupo ng mga rebelde, bilang may kagagawan ng pag-atake.

Ang grupong ito ay pinapangunahan ni dating deputy chief of staff Gen. Thomas Cirilo Swaka. Tinanggihan ng mga ito na lagdaan ang 2018 peace accord.

Wala naman naging pahayag ang grupo kaugnay sa pangyayari.