Matumal pa rin ang mga bisita o turista na nagtutungo sa Hundred Islands National Park sa lungsod ng Alaminos.

Naniniwala si City Tourism officer Mike Sison, na ilan sa mga dahilan ay dahil sa takot pa ng mga tao dahil sa pandemic , restrictions at ang napakaraming mga requirements na kailangan alinsunod sa direktiba ng IATF.

Wala aniya silang magawa kundi ang sumunod sa mga panuntunan ng ahensiya.

--Ads--

Tiniyak naman ni Sison na kanilang minimintina ang mga safety proptocols gaya ng pagsusuot ng facemask at social distancing.

Sa kasalukuyan ay pawang mga taga Pangasinan pa lang ang puwde nilang tanggapin at hindi muna pinapayagan ang mga nasa malalayong lugar gaya sa Metro Manila at mga dayuhang turista.