BOMBO DAGUPAN- Nangako ang mga miyembro ng North Atlantic Treaty Organization (NATO) na kanilang susuportahan ang isang “irreversible path” sa hinaharap na pagiging miyembro para sa Ukraine, pati na rin ang higit pagtulong sa bansa.

Inanunsyo ng NATO ang kanilang commitment sa Ukraine kabilang ang ilalaan na $43.3-billion aid sa susunod na taon. Kasama na dito ang F-16 fighter jets at iba pang air defence support.

Nilinaw naman ni Secretary-General Jens Stoltenberg na hindi ito uri ng charity kundi sa kanilang intes sa seguridad.

--Ads--

Matatandaan na pangunahing agenda sa summit ng Nato ang nagpapatuloy na pananakop sa Ukraine.