DAGUPAN CITY- Dinagsa ng mga mamimili ang mga mumurahing sariwang isda sa Magsaysay Fish Port ng Dagupan City.

Tumatakbo ang presyo ng bangus sa P200-P220 kada kilo.

Ang babaeng galunggong naman ay nasa P160/kilo habang ang lalaki naman ay P200-P250.

--Ads--

P420 kada kilo naman ang hipon at P200-P220 ang kada kilo ng pusit.

Ang pingka ay nasa P130/kilo, Salmon Mackerel ay P120-P140/kilo, P130/kilo ang tulingan, habang nasa P140 naman ang kada kilo ng tilapia.

At ang tahong naman ay tumatakbo sa P50-P80 ang kada kilo.

Ayon kay Madilyn Castro, tindera ng bangus sa nasabing pamilihan, bumaba na ang presyo ng bangus kumpara noong nakaraang Disyembre na umaabot ng P250 kada kilo.

Habang sinabi naman ni Lilibeth Ramos, tindera ng galunggong, na ang kakaonting supply ang dahilan sa pagtaas ng presyo ng galunggong.

Aniya, bagaman may kataasan ang presyo subalit bumaba na rin ito dahil umaabot ito ng P300 kada kilo kamakailan.