Nasanay na umano ang mga mamamayan ng South Korea sa mga banta ng North Korea kung kaya’t tila ordinaryong araw na lamang ang nangyari sa bansa pagkatapos ang pagdedeklara at paglilift ng Martial Law ng pangulo ng kanilang bansa.
Ayon sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Ivy Pena, Bombo International Correspondent bansang South Korea, nakaramdam ng pagkabila ang mga tao sa South Korea dahil sa pagdedeklara ng kanilang pangulo ng Martial Law ngunit nakarecover din naman agad ang mga mamamayan nito.
Dagdag niya, tila isang ordinaryong araw lamang ang dumaan sa mga Koreans at parang walang nangyari kung saan nalift din naman agad ang deklarasyon.
Aniya, bagama’t may nararamdamang takot ang mga tao sa lugar, wala naman umanong nararamdamang panic ang ilan.
Trained din daw ang mga kalalakihan sa nasabing bansa kung saan sumasailalam sila sa miltary service kaya’t may mga handang maglingkod sa oras na kinakailangan.
Nagkaroon din ng botohan ang parlyamentaryo ng bansa kung saan naging 190 ang nakuhang boto upang ma-widthraw ang nasabing anunsiyo.
May mga senyales din umano nitong mga nakaraang buwan ang pagdedeklara ang pangulo ng nasabing bansa ng Martial Law dahil sa mga oposiyon at kawalan ng suporta sa ilang partido sa kaniyang mga future plans sa nasabing bansa.
Aniya, sa ngayon ay bumalik na sa normal ang lahat kung saan abala ang ma tao sa kaniya-kaniya nilang mga gawain sa pang araw-araw.