Nagtipon-tipon ang mga magsasaka ng Wales, United Kingdom sa labas ng Welsh Labour Conference upang ipakita ang kanilang pagkadismaya sa bagong pagbubuwis sa mga sakahan.
Marami ang mga tractor at farm vehicles ang naka-parke sa labas ng naturang conference na ginanap sa Venue Cymru, sa Llandudnom Cnowy.
Nasa loob naman ng naturang conference si Prime Minister Sir Keir Starmer upang depensahan ang kamakailang Budget measures ng kanilang gobyerno.
--Ads--
Giit naman ng mga union ng mga magsasaka na ang pagbabaho ay maghahatid lamang ng hindi kanais-nais na mga kahihinatnan.
Nagmatigas naman si Starmer sa conference at aniya kaya niyang depensahan ang naturang budget dahil mahalaga ito para sa kanilang ekonomiya.