Inabisuhan na ng Pangasinan Irrigators Association ang mga magsasaka na huwag munang magtanim para sa third crop dahil sa nararanasang El Niño.
Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Pangasinan Irrigators Association President Ernesto Pamuceno, sinabi nito na sa kanilang obserbasyon, ang mga sakahan na hindi naaabot ng irigasyon lamang ang apektado ng El Nino kaya inabisuhan nila ang mga magsasaka na huwag munang magtanim para sa third crop.
Pinaka naapektuhan aniya ang siyudad ng San Carlos na hindi saklaw ng kanilang irrigation system ngunit nakapag ani naman ng tanim na mais.
Samantala, kabilang naman sa mga lugar na saklaw ng kanilang bagong irrigation system ay ang mga bayan ng Sta. Barbara, Calasiao, Mangaldan, Manaoag at San Manuel.