Mga kabombo! sa ka ba sa mga humahanga sa mga K-Pop Star?
Isang bagong cosmetic trend na naman kasi sa nasabing bansa ang lumalaganap ngayon!
Kng saan ang mga kababaihan, at maging ilang kalalakihan, ay nagbabayad ng malaking halaga para iparetoke ang kanilang balikat!
Ang balikat ay tinatawag na “perfect 90-degree shoulders”, isang itsura na pinasikat ng mga K-pop idol tulad ni Jennie ng Blackpink.
Ang “90-degree shoulders” ay tumutukoy sa balikat na may matalas na anggulo at tuwid na linya, na nagbibigay ng optical illusion ng mas payat at mas mahabang leeg.
Bukod pa rito, may mga sikat din procedure na “Barbie Botox” o “Trap Botox”, isang procedure na nagre-relax sa trapezius muscles para sa mas slim na itsura.
Gaya na lamang ng isang content creator na si Yunny kung saan ipinakita niya ang kanyang pagpapalagay ng shoulder filler sa isang clinic sa Seoul.
Bagama’t umani ito ng papuri, maarami rin ang nagpa-ulan ng batikos.
Dahil ayon sa netizens, maaari namang makamit ang ganoong resulta sa pamamagitan ng ehersisyo.
Bagama’t hindi pa malinaw ang mga pangmatagalang side effects sa kalusugan ng shoulder fillers, tila mas nangingibabaw sa ngayon ang pagnanais ng marami na gayahin ang itsura ng kanilang mga iniidolong K-pop star.